--
At long last, na contact na ni Toff sina Tita. Papunta na din sila dito. Nung nasagot daw, super worried sila tita lalo na pa’t kasama ako dito. Ano kayang meron?
“Toff, Dylan kamusta na si Reiko?”
“Ok naman daw po siya sabi nung doctor, pero hindi pa po siya nagigising ever since. Nakakaworry tita, 2 araw na siyang ganyan despite the fact na ok lang siya.”
“Hindi ko alam Toff, let’s just pray for her safety.”
Pumunta kami sa chapel, tapos nauna na umalis si Toff kasi kukuha ng gamit namin. Kami yung bantay dito, hindi pa kami nakakapagpalit since nung isang araw. :&
Pagtayo ko, bigla akong nilapitan ni Tita.
“Dylan, ikaw na ba yan? Ang laki mo na ah. Binatang-binata, ang gwapo-gwapo pa.”
“Thanks po Tita.”
“Nagsasabi lang naman ako ng totoo iho, di na kailangan ng ganyan. Pero iho, pwede ba ako manghingi ng pabor sayo?”
“Basta po kayo Tita.”
“Narinig ko kasi kay Toff na kilala ka ni Reiko bilang Rae. Sana naman, wag mo munang sasbihin na ikaw at si Dylan ay iisa, ok lang ba?”
“Bakit po tita? May kinalaman po ba yun sa short-term memory loss ni Reiko?”
Nanlaki yung mata ni Tita.
“Pano mo nalaman?”
“Sinabi po samin nung doctor, pinagkakatiwalaan naman daw po kasi kami nung ‘Sir Angelo’ kaya sinabi samin.”
“Ah. So nagkakilala nap ala kayo ni Angelo.”
“Hindi naman pos a nagkakilala, pero nagkapang-abot lang po ng bantay kay Reiko. Sino po ba siya?”
“Ah. Fiancé ni Reiko.”
Fiancé .. Fiancé. Fiancé.. Fiancé..
Umuulit-ulit sa utak ko. Parang na replay siya. Fiancé? Kelan pa?! So wala na akong pag-asa kay Reiko? T_T
