Chapter 1
**
“Reiko, may sasabihin ako. Promise hindi ka magagalit sakin ah.”
“Oo naman. Basta ikaw eh.” Yun nga eh. Basta ako. :’((
“Kasi, ano. Mukang hindi ko matutupad yung promise ko sayo.”
“…”
“Naalala mo, sabi ko sayo sabay tayo mag high school. Hindi ako magpapatalo kila Mama at Papa. Pero hindi ko talaga kaya eh. Talo ako sakanila.”
Kung alam mo lang, ikaw ang ginawa nilang pang blackmail sakin. Mas mahalaga para sakin maging ligtas ka kesa sa personal happiness ko. :(
“…”
“Please. Don’t make this hard for me. Aalis na kami mamayang gabi. Dapat hindi ko sasabihin sayo, pero hindi kita matiis. Reiko, I love you. Pero mukang hanggang dito nalang talaga eh. Promise ko sayo, babalik ako.”
“Dylan, please. Promise na naman?! Tapos ano? Hindi mo na naman tutuparin? Dylan, ayaw ko na. Masyado ako nag expect sayo. I love you too. Yan yung mga salting matagal ko ng gusto sabihin sayo. Pero hindi ko magawa dahil nahihiya ako. Pero ngayon, nagawa ko. Ganun na ba talaga feeling mo sasabog na puso mo? Hindi mo na kaya itago yung mga tinatago mo ng napakatagal na? Dylan. I trusted you. Akala ko hindi ka katulad ni Anthony na iiwan lang din ako. Yun pala, ganun ka din. Kahit wag ka na magpakita sakin Dylan Rae. I hate you! Wala na akong Dylan Rae Gonzales na kilala!”
**
“Reiko, please. Bumalik ka.” Yan ang mga salitang gusto ko sabihin sakanya nung mga panahong yun pero hindi ko nagawa. Gusto ko magpaliwanag, pero hindi ko magawa. Napakaweak kong nilalang. At ang pinakamasakit pa, napaiyak ko si Reiko. Isang bagay na pinangako ko sa sarili kong hindi ko gagawin.
Pangako? Pangako na naman? Promise breaker ba talaga ako? Ganun ba talaga ako hindi ka trustworthy na tao. Ayaw ko na. :|
“Babes. Tulala ka na naman. Oh? Napuwing ka ba?”
“Hindi.”
“Eh bakit ka umiiyak? May masakit ba? Gusto mo i-kiss ko?”
“Napasukan lang ng hanging mata ko. Wala lang toh. Ok lang ako, promise.” Promise na naman. Pero hindi naman talaga totoo.
“Sige. Basta ikaw nagsabi.” Reiko, 3 years na nun. Alam mo bang mahal pa din kita?
“Babe, tara na. Hinahanap na tayo nila Toff. May practice pa daw kayo, ano ba kasing ginagawa mo ditto at mag-isa ka lang? Pano pag hindi kita nakita? Edi hindi ka nakapagpractice niyan? Baka hindi ka paglaruin ni Coach. sige ka.”
“Ok lang naman sakin yun eh. Para once in a while may pahinga ako. Ikaw lang naman may gustong mag laro ako ng basketball eh.”
“Syempre naman. Para bagay tayo. Captain ng Basketball Team + Captain ng Cheerleading team. Parang sa movies lang! Tara na Babes!”
Ewan ko ba kung ano nangyari, pero niligawan ko tong si Trish. Pero feeling ko yun yung mga panahong depressed ako dahil nawala sakin yung babaeng pinakamamahal ko. Tapos siya as one of my childhood/family friend at umaaligid sakin nung mga panahong yun. Ki-nomfort niya ako. Naattract ako sakanya, and I thought it was love. Pero mali pala. Iba parin ang simpleng attraction sa love. Si Reiko parin talaga yung laman ng puso ko.
