Chapter 4
Ang hirap pa rin iimagine na magkikita kami. Akala ko malayo na ako para hindi niya matunton, yun pala nagkamali ako.
“Psst. Ui Rae. Gusto mo sumama?”
“San?”
“Maglulunch sa labas. Kasama ko si Reiko. Nagkita kami sa school kanina. Nagilat nga ako, namukaan niya ako ikaw hindi. Sabi niya magsama daw ako ng gusto ko para naman may friend siyang iba maliban sakin. Ano?”
“Sige, antayin mo ako.”
Great. :| Racks. Fave resto ko. Bat nandito kami, I thought she hated the food here. Madami na talagang pwede ipagbago ang isang tao.
“Ui Toff. Order na kayo ni Rae.”
“Diba ayaw mo ng food ditto?”
“Oh? Favorite ko kaya dito!”
“Ahh. Mali lang siguro pagkakaalala ko. Tagal na kasi natin hindi nagkita eh.”
“Siguro nga!”
Pagkatapos naming mag lunch, nauna na si Reiko kasi may pupuntahan pa daw siyang importante kaya naiwan kami ni Toff dito, gumagala.
“Pre, una hindi ka niya makilala. Pangalawa, favorite na niya yung Racks. Anong nangyari dun sa babaeng yun?”
“Ewan ko Toff, wag mo ako tanungin kasi mas lalong hindi ko alam.” Oo nga, ano ba nangyayari sa kanya?
“Ui pre, nabasag ko ata mood mo. Sorry.”
“Ok lang.”
*RIIIING.*
“Sagutin ko lang saflit ah.” Tsk. Babae na naman ni Toff to. Haha. Huli!
“Opo. Ano?! Opo. Sige po. Papunta na po kami diyan. Sige po. Salamat po.” Kinabahan ako bigla. Bakit? Dahil bas a tono ng pananalita niya? O may kakaiba lang talaga. Lumingon sakin si Toff.
“Naaksidente si Reiko. Nasaospital na siya. Dalian natin!”
All of a sudden, feeling ko gumuho na naman mundong katatayo ko lang.
