Chapter 2
Grabe, bakit nga ba ako sumama kay Trish. Pagod na pagod na ako Nakatatlong games kami ngayon week. Alam kong napakaunfair na hindi ako maglaro pero grabe naman kasi, mas pressured ako lalo na sa practices; mas malaki ang training load. Tao lang din nama ako diba? Napapagod. :(
“O ano pre? Ok ka lang? Namumutla ka na ah.”
“Yaan mo nay an Toff, para namang bago yan.”
“Nagawa pa magbiro. Pano pag natuluyan toh pre? Ako kaya lagot, hindi naman kayo.”
“Sus. Toff sabihin mo nababading ka lang kay Rae. HAHAHA.”
Kalokohan talaga nitong mga toh. Ito yung isang gusto ko sa mga tropa ko. Once na kasama ko sila, nakakalimutan ko yung mga worries ko. Nagiging masaya ako. Kahit panandalian lang.
“Tss, di rin pre. Sadyang patay lang talaga ako kay Tita. Alam niyo namang yaya ako nito ni Rae eh. Grabe.”
Pinsan ko nga pala, si Toff. Tatay niya, kapatid ni Mama. Ever since na maliliit kami, since sakitin ako dati at kami laging naglalaro kapag hindi ko kasama si Reiko siya yaya ko. Kasi biglaan nalang ako nag hhyperventilte at nag ccolapse. Matindi hika ko dati eh. Buti ngayon hindi na ganun kalala kung hindi, wala ako sa basketball team ngayon.
“Ui nga pala pre, pano na yung pustahan natin?”
“Ano yun?”
“Yung liligawan mo yung new student. Yung chix pre. Yung nakita natin kahapon.”
“Ha?”
“Tss. Wala toh, tulala ka na naman kahapon. Grabe pre. nagddrugs ka ba?”
“Gag*! Hindi noh. Pagod lang talaga. Pero hindi naman ako pumayag diyan ah. Pagpupustahan niyo yung tao.”
“Ok lang yan. Para namang ngayon lang eh. Iwas ka lang talaga. Sating lahat, ikaw nalang walang pusta. Kaya ikaw naman!”
Sino ba naman kasi yung bagong student nay an? Chix na naman. Tss. Patay na naman ako kay Tish nito eh. :\ Hay nako. Bat kasi kailangan pa ako idamay sa mga ganyan. Sa simula’t-simula naman, hindi na ako pumayag.
“U pre! Ayun o! Grabe ang ganda talaga.”
“Ui Rae tignan mo o! Ayun o! Di hamak na mas maganda at sexy kay Tish! HAHAHA.”
“Mga loko-loko pala kayo eh. Pag kayo narinig nun, kalmot na naman sa muka abot niyo. O nasan ba?”
“Sabi ko na eh. Di mo din matitiis. HAHA. Ayun!” Sabay turo sa babaeng naglalakad sa corridor. Grabe sexy nga. Pero hindi ko Makita yung muka. Ang ganda ng buhok niya. Pero pag lingon niya…
“Rae.” Sabi ko na siya nga. Namukaan din ni Toff eh. At hindi ako pwede magkamali. Gray na mata, rosy cheeks. Siya lang yung ganun. Si Reiko.
“O ano pre. Natulala ka na naman?! Ang ganda noh?! Sana mas maaga dumating yan para amin nalang!”
“Ayoko.”
“Anong ayaw mo?”
“Ayaw ko yung pustahan. Maghanap nalang kayo ng iba. Kahit sino wag lang si Reiko.”
“Kilala mo?”
“Ah.. ano, hindi. Nakita ko lang yung pangalan niya sa mga new students list sa office. Nandun yung picture niya eh. Hindi ko naman alam na iba pala ichura niya sa personal.” Grabe, takas.
“Sige pre, bahala ka. Pero liligawan naming toh ah. Kung ayaw mo, amin nalang!”
* Fast Forward. *
Nakakapagod talaga training. Nakakainis. Pero kahit na pagod ako, wala pa rin akong balak umuwi. Ewan ko ba, pero sadya lang talagang masyadong madaming memories si Reiko sa bahay na gusto kong iwasan. Ngayon, nandito ako sa park sa likod ng elementary building ng school. Ewan ko ba, pero hideout ko na toh ever since pumasok ako dito. Wala naman kasing HS na napunta ditto eh. Takbuhan ko. Nakakarelax pag nasa swing ka, lalo na pag mataas na. Feeling mo ang taas taas mo. Feeling mo kaya mong gawin lahat. Feeling mo kaya mo abuting yung stars.
“Haay. Sana nandito siya.”
“Sino?”
