Chapter 6
“Ay ano, wag ka mag sorry sakin. Hindi ko naman girl friend eh.”
Bigla siyang binitawan ni Reiko. Buti naman. Kung hindi ako na magatatanggal ng kamay niya diyan. Isang malaking eyesore.
“Ganun ba. Sige una na ako ah. Tawagan niyo nalang ako pag may kailangan kayo. Happy to help naman ako eh.”
“Osige, salamat. Ingat narin.”
Paglabas niya, onti-onti akong lumapit sa kama ni Reiko. Gusto ko siya hawakan pero natatakot ako. Natatakot masaktan.
“Good afternoon. Kayo po ba yung mga kaibigan ni Ms. Reiko?”
“Ah, opo.”
“Nasan po yung mga magulang niya?”
“Hindi pa po naming ma contact eh. Peo sinusubukan nap o namin.”
“Ah ocge. Pero may dapat kayong malaman, siguro naman entrusted friends niya kayo kaya kayo yung tinawagan ni Sir Angelo.” Sir Angelo? Bakit naman kami magiging trusted friends sa simpleng pag tawag lang niya?
“Ms. Reiko is suffering from partial amnesia, pero dahil sa accident na nangyari, maaring bumalik ang memories niya or tuluyan na itong mawala. Pero ayon kay Sir, mas malaki yung possibility na bumabalik ito.” Partial amnesia. Explains everything. Pero ako nga ba yung partial na yun?
“Pero Doc, may probability po ba na may bumabalik, pero may nawawala lang din?”
“Hindi po tayo makakasigurado diyan, pero nakadepende naman p okay Ms. Reiko yung mga yun eh. Kung gusto niya pa hawakan yung mga memories o hindi na.”
“Sige po. Salamat.”
Pano pag tuluyan niya na akong makalimutan?
Friday, December 10, 2010
Chapter 6
![]() |
