Chapter 5
Sumakay kami sa kotse ni Toff. May sariling sasakyan siya, oo. Hindi pa legal mag drive si Toff pero wala na akong paki dun. Basta kaligtasan ni Reiko ang priority namin.
“Toff ano ba nangyari?”
**
“Si Christopher ba ito? Kaibigan ni Reiko Denise?”
“Opo.”
“Ako pala si Mark. Hinimatay kasi si Reiko Denise habang tumatawid, muntikan nang masagasaan. Ayun, dinala ko siya sa ospital.”
“Ano?!”
“Wag ka na mag-alala, sabi naman ng doctor buti naagapan lang. Pero kaya niyo ba pumunta ditto? Wala kasing contact number ng pamilya si Reiko eh. Tapos ikaw yung nasa recent call log niya.”
“Opo.”
“St. Xander’s. Room 407.:
“Sige po. Papunta na kami dyan.”
**
“Ano?! Bakit naman biglang hihimatayin si Reiko?! Tinawagan mo nab a sila Tita Mitch?”
“Hindi ko alam. Kaya pagdating sa ospital, yun kagad yung itatanong natin. Pero hindi ko lang alam kung nahanap na ni Mama yung number nila Tita Mitch.”
“Sige sige.”
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Akala ko magiging ok na lahat once na magkita kami. Yun pala, hindi rin. Mas lalong naging komplikado at mahirap.
Nasa St. Xander’s na kami. Pinuntahan na naming yung kwarto ni Reiko. Parang ayaw kong pumasok kasi natatakot ako makita kung ano na nangyari sakanya. Pero no choice ako kesa mag muka akong tanga nakatayo mag-isa sa labas.
Pagpasok ko, nakita ko si Reiko. Nakahiga at andaming tubes na papunta sa katawan niya. Sa tabi niya, may lalaki. Siguro mas matanda samin ng konti. Siya siguro si Mark. Thankful ako sakanya dahil sa ginawa niya. Pero may nakita ako. May mali. Hawak-hawak ni Reiko yung kamay niya. Mahigpit na hawak. :’(
“Ako ng pala si Mark. Pre sorry ah.” Lumapit siya kay Toff.
Thursday, December 9, 2010
Chapter 5
![]() |
