Chapter 3
“Sino yan?”
“Sorry ha, nadistorbo ko ata yung pakikipag usap mo sa sarili mo. Ako pala si Denise. Ikaw?”
“Ako pala si Rae.” Si Reiko. :\ Hindi niya kaya ako nakilala? Sabihin ko kayang ako si Dylan? Wag na, baka masaktan lang ako. :(
“Ah. Sige, nice meeting you Rae. Kung ok lang, makikishare ako ng hideout mo ah? Kasi bata pa ako mahilig na ako sa parks. Dun kami lagi tumatambay ng kaibigan ko. Pero wag ka mag-alala, hindi pa naman ngayon eh. Next time pa, sige aalis na ako. Nandyan na yung driver naming. Bbye.” Oo Reiko, alam ko. Ako yung eh. :|
“Sige, ok lang. Wala naman akong pangala dito kaya kahit sino pwede. Ingat ka ah! Nice meeting you din pala.”
Hindi pa rin pala siya nag babago. Mahilig pa din mag swing. Masayahing tao. At higit sa lahat, open makipag friends sa iba. Naalala ko nung nagkita kaming una. Naiiyak ako.
**
Kaya ayaw ko sumama sa mga party eh ang boring. Madami ngang bata, ayaw naman nila ako kalaro. Mas maganda sa bahay, makakapag Game Boy ako okaya manunuod ng TV. Nakakainis talaga sila Mommy. :(
“Wow! May swing!”
Uupo na sana ako kaso may nakasabay akong girl. Ang cute niya, ang liit kasi. Mas matangkad ako sa kanya pero hindi naman ganun kalaki agwat niya. Naka pigtails yung hair niya tapos ang cute ng smile niya. Simple lang siya. Di katulad nung ibang girls sa party, mukang clown kasi ang daming make-up.
“Gusto mo ba mag swing?”
* nods.*
“Ocge, ikaw na mauna. Pero salitan tayo ah. Tulak kita tapos after mo, tulak mo din ako!”
“Sige.”
“Yeey!”
Ang cute niya. Ang ganda ng boses niya, maliit na malambing. Parang boses ni Mommy kapag papatulugin niya ako. Sana lahat ng girls kagaya niya, mabait. Para madami na akong friend na girl.
“Ui! Ako naman.”
“Sige.”
“Ako nga pala si Reiko. Ikaw, ano name mo?”
“Ako si Dylan. Alam mo Reiko, ikaw lang friend ko dito. Kasi ayaw ako kalaro nung mga bata sa loob eh.”
“Oh? Ako din eh. Nilalayuan nila ako. Tapos naalala ko may swing kaming nadaanan nila Mom pagpasok kaya dito nalang ako pumunta. Buti pumunta ako, kung hindi wala akong bagong friend ngayon.”
“Oo nga eh. Ako rin.” :)
**
Ang sakit balikan ng nakaraan.
