"Uyy. Dito ka na, diyan nalang ako sa sahig mas trip ko dyan, mas malawak."
Ok, I know. And lame ng excuse ko pero kasi nakakahiya na talaga ng sobra. First nagpaalaga ako now aagawan ko pa ng bed? Edi ako na star.
"No it's fine. You can stay there para mas maayos pagpapahinga mo. I'll be down here *points to the floor.* when you need me."
"Ehhh."
"Ehh ano?"
He raised his eyebrows. Aba ang taray. Ako nga hindi ko magawa yan eh!
"Kung dito ka nalang kaya? Err. I mean..."
Nakakahiya. It's like I am inviting him to bed, which is technically yun nga yung ginagawa ko pero yung ano, basta! Alam niyo na yun!
"I get it, but thanks for the offer nalang. I can manage."
"Basta, for the record, I am being generous lang. Wala akong balak na gapangin ka wag ka mag-alala."
"Wala akong sinabing ganyan. Pero of you insist. Wag ka mag-alala, hindi rin ako magtatangka."
"I know that."
Hmp. Inirapan ko nga. Ang yabang niya akala mo kagwapuhan, which is gwapo nga naman talaga. Umakyat siya sa bed tapos humiga nang nakatalikod sa akin. Ichura namin ngayon, magkatalikuran ang saya lang eh. D:
"Salamat ah Blanche, good night."
Hindi na ako umimik, same goes nanahimik na rin siya. Hindi ko alam kung tulog na ba siya or nakatunganga lang. Basta, nahihiya ako sa lahat tapos siya pa nagtthank you sakin? Hanuuuuber.
