Characters;
Blanche Angelique Fortaleza
Mark Damiel Rosete
Rhian Rochelle Reyes
Riema Andrew Dela Cruz
Random Girl Classmate
Random Boy Classmate
--
Blanche Angelique's P.O.V
"Maaaaark! Ano ba yan! Ang gulo-gulo mo eh. Nakitang natutulog yung tao eh."
"Kasi naman Blanche, sabi ko sayo pumunta ka na sa clinic! Mapapagalitan ka na naman ni Sir eh! Bahala ka dyan!"
"Mind your own business, Mark. UGH. Ayan nawala tuloy antok ko! Ikaw kasi eh!"
Ugh. Ang sakit-sakit ng ulo ko. Epal talaga tong Mark na toh, himbing-himbing nang tulog nung tao tapos mang gigising. Bastos lang. Wait, may narinig akong gitara.
"HOOOOOOOOOY! Sino yung may dala at tumutugtog nung gitarang yun! Narinig ko! Ipahiram niyo naaaaaa~!"
"Grabe Blanche, kababaeng tao daig mo pa taong gubat kung makasigaw."
"HAHAHAHAHAHAHAHA."
"Eh loko-loko pala kayo eh."
"Joke lang yun. Toh naman. Oh, eto na. Ingatan mo yan ah!"
"Sus, kala mo naman masisira ko toh. Anyway, thank you! Tara jamming!"
Paborito ko tong past time, gitara-gitara pag walang teacher. Yun nalang eh kung nagdadala sila at ipapahiram sakin. Pero pag wala naman, aba syempre! Matutulog ako!
"Huy! Tutugtog ka ba o hindi? Kami nalang muna."
"Wag ka nga magulo. Nag-iisip ako ng kanta eh."
Hmn. Ano kayang magandang kanta?
Ay alam ko na! Pero mukang konti lang nakakaalam nito. Most probably wala pa nga eh. Bahala na. Basta paborito ko toh.
"Nagtatanong, bakit mahirap sumabay sa agos ng iyong mundo.
Nagtataka, simple lang naman sana ang buhay kung ika'y matino."
"Ano ba yan Blanche! Yung alam naman namin."
"Eh bakit ba, favorite ko toh eh. Mamaya na."
"Sabihin sakin lahat ng lihim mo..."
"Iingatan ko. Ibaling sakin lahat ng problema mo. Iingatan ko."
"Oh, akala ko ba hindi niyo alam? Bakit sinabayan niyo ko?"
"Ha? Nag-iilusyon ka na naman. Tulog ka pa ata eh!"
"HAHAHAHAHA."
"Ulul. Pero seryoso? Wala talaga kayong narinig?"
"Uyy! Blanche! Wag ka naman manakot dyan!"
"Oo nga! Tanghaling tapat ghost stories trip mo!"
"Hindi naman ako nagloloko eh! Bahala nga kayo dyan! O gitara mo! Mamaya nalang ulit."
Sino kaya yung kumanta? Meron, hindi ako pwedeng magkamali. Matalas ata pandinig ko. Pero sino ba yun? Arte naman niya, ayaw pa umamin. Sakit sa bangs mag-isip. Bahala na, tara tulog!
"Ms. Fortaleza. Ms. Fortaleza! MS. FORTALEZA!"
*toink.*
"Ugh! Aray!"
"HAHAHAHA."
"Hoy Blanche gising na! Tawag ka ni Sir, sagutin mo daw yung problem sa board."
Grabe naman toh. Balak pa mambulabog. Aray aray~ Ang sakit! Batuhin ba naman ako ng chalk. Sakto pa sa noo ko. Lalo tuloy sumakit yung feeling sa ulo ko! Ano ba tong balak ipa-solve sakin? Hmn. Analytical Geometry lang pala eh. AMF.
"Ayan. Ano wala kang mai-sagot noh? Patulog-tulog kasi! Makinig ka nga!"
"Kapal naman Sir. Minemental ko po. Katamad mag sulat eh. Ahmmn. Sir bali yung diameter po nung circle ay 8. Alam kong tama ako Sir, kaya pwede na ho ba akong matulog ulit?"
"Fine."
Yan. Yabang pa eh. Nakakairita talaga yung mga gantong teacher. Mampapahiya pa, fail naman. Baka mapahiya ako niyan. Math pa tinuturo niya. Kung AP toh pwede pa eh.
"Whoa. Ang galing mo talaga Blanche! Turuan mo nga ako niyan minsan. Di ko maintindihan magturo tong teacher natin eh."
"Shut up Mark. Di pa rin kita bati. Wag mo nga akong kausapin. Wag mo na rin ako gisingin, paki sabi na rin sa iba. Alam mo namang magigising din ako eh. Thanks."
Haaay. Grabe, puro ako tulog ngayon. Bakit ba parang ang bigat ng feeling ko? Hmn. Sana hindi ako gambalain ni Mark.
--
Reima Andrew's P.O.V
"Sabihin sakin lahat ng lihim mo..."
Paborito kong kanta toh. Akala ko konti lang makakaalam. Bihira na kasi yung fan ng Imago sa school. Pati rin pala si Blanche.
"Iingatan ko. Ibaling sakin lahat ng problema mo. Iingatan ko."
Ang ganda ng boses niya. Ang galing pa mag gitara.
"Oh, akala ko ba hindi niyo alam? Bakit sinabayan niyo ko?"
Crap. Narinig niya ako. Ang talas naman ng pandinig nitong babaeng toh.
"Uy bro! Tara kailangan na nating bumaba sa gym! Pag tayo na-late ewan ko nalang kung ano pang parusa ibibigay ni coach."
"Ay sh*t. Oo nga. Tara."
Whew. Saved. Akala ko mapapaamin pa ako eh. I don't like others to know that I sing. Kasi ang tinging nila sa guys na kumakanta, gay. Guys should only play balls. Kaya sa school, sikat ako. Player eh, soon-to-be captain pa.
7:30 PM, school.
Damn, may exam pala sa Geometry bukas! Naiwanan ko pa yung notebook ko sa classroom. Tatakbuhin ko pa papunta dun, pagod na ko! Sana di pa nadaan si Kuya Janitor dun kundi deadbol na ko.
Thank God bukas pa. Wait, bat may tao pa? Si Blanche yun ah? Tulog pa rin? Anong balak nyan? Mag-overnight dito sa school? Magising nga.
"Blanche." *pokes.* *pokes.*
"Blanche. Uyy!" *pokes harder.*
"UGH! Anak naman ng.. Maaaaark~ Sabi ko wag mo kong gigisingin eh!"
Mark? Mark Roesete? Sa gwapo kong toh? Ang layo! Pero may pagkasira din talaga toh. Pero ang cute niya matulog. Hay. Ano ba tong pinagsasasabi ko?!
"Blanche, uuy. Gumising ka na. Si Reima toh. 7:30 na kaya, balak mo ba mag-overnight dito sa school?"
"Ha? Anong pinagsasasasabi mo?"
--
Blanche Angelique's P.O.V
"Ha? Anong pinagsasasabi mo?"
O______________O
Holysh*t! Gabi na nga! Hala! Patay ako nito!
"Hala naman! Tinotoo naman masyado ni Mark yung hindi pag gising sakin. Lechugas. Pano ko nito. Hala!" :((
Patay ako nito kina Mama. Panigurado hindi ako papasukin ng bahay nun kahit anong mangyari.
*BOOM.* << Kidlat yan. **SHHHHH.** << Sabay umulan.
Tapos uulan pa! Grabe naman! Araaaaaaaaaaaaaaay! Ang sakit sobra ng ulo ko. Nahihilo ako.
--
Reima Andrew's P.O.V
Hala ka nga naman o. Umulan pa. Hindi ko pa naman din nilabas yung payong ko sa sasakyan. Yes, sasakyan. Nagddrive ako papuntang school. Legal toh sa school kasi pumayag naman yung principal which is a friend of my Mom.
Bakit ayaw pa kaya tumayo nito? Hala. Kanina pa ba toh, hindi ko lang napansin? Namumutla si Blanche.
"Ok ka lang? Namumutla ka eh."
"Ha? Oo. Okay lang naman siguro. Medyo nahihilo lang ako."
Tumayo na siya, pero bumagsak pa. Buti nalang nasalo ko. Ang lambot ng balat niya, ang init.
"Blanche may lagnat ka ah! Bakit hindi ka pa pumunta sa clinic kanina?!"
"Ha? Anong lagnat? Wala lang yan. Sige, bitawan mo na ako. Okay na ako."
"Anong ok at wala lang? Wag ka makulit, aalalayan na kita. Akin na yung bag mo ako na magdadala."
"Ha? Wag na. Nakaalalay ka na nga tapos ikaw pa magdadala ng bag ko. Wag na nakakahiya. Tsaka di ka ba nabibigatan niyan? Halos pasan mo ko tapos dala mo bag mo pang training?"
"Macho ata toh. Pero swear, okay lang talaga. Akin na."
Ang kulit naman nito. In denial na magkasakit, desperado pa lumala. Nako, pano ko itatawid toh. Hindi ko naman pwede paglakarin o pagcommute-in pa-uwi. Ihahatid ko siya, pero ang layo ng sasakyan ko dito. Di ko naman pwedeng iwan dito at balikan nalang kasi baka kung ano pang mag-yari. UGGGGH.
Ay wait, may jacket pala ako dito. Tama tama! Yun nalang.
"Oh, suotin mo para di ka ganun mabasa. Ihahatid na kita kesa naman magcommute ka pa umuwi."
"Ha? Eh pano ka? Edi ikaw naman nabasa? Nakakahiya."
Nandun yung concern sa mata niya. Pero grabe ah.
"Ikaw yung may sakit, so ikaw yung priority. Besides, kagaya nga ng sinabi ko, macho naman ako eh. Tara na."
Akay-akay ko na siya habang naglalakad papunta. Sana hindi siya ganoong nababasa kundi patay ako nito.
Sa wakas nandito na rin kami. Nginig na nginig siya.
Nagmamadali na ako magdrive. Natatakot ako baka kung ano nang nangyayari sakanya. Ayaw ko pa naman ding nakakakita ng ganto, hindi ko alam yung gagawin ko.
Siguro naisip niyo, bat alam ko kung saan siya nakatira. May dahilan, pero ayaw ko na munang i-share, sa susunod nalang.
"Blanche, gising. Nandito na tayo sa bahay niyo."
--
Blanche Angelique's P.O.V
"Blanche, gising. Nandito na tayo sa bahay niyo."
Hala, nakatulog pa ako. NAKAKAHIYA NA NG SOBRA. Ang lamig pa. >.< Nandito na daw kami sa bahay? Ang bilis? Tsaka pano niya nalaman bahay namin? Ughh. Uuuuuulo koooo~!
"Sige salamat ah."
Binuksan ko yung pinto at madaliang lumabas. 8:03 na ayon sa water-proof kong relo. For sure, hindi na ako pagbubuksan ng pinto.
*DING DONG.*
"Ma!"
*DING DONG.*
"Maaaa~!"
Sabi ko na eh.
--
Reima Andrew's P.O.V
Ang tagal na niyang nakatayo pero bakit ganun hindi siya pinagbubuksan ng pinto. Kitang-kita ko, nanginginig na siya sa lamig. Masyado namang maaga para matulog yung pamilya niya tsaka sa doorbell, magigising sila. Bakit ganun?
*tick tock tick tock.*
Mag 5 minutes na ah.
*BLAGSH.*
Sh*t. Nag-collapse na si Blanche!
"Huyy! Huyy!"
Lalong tumaas yung lagnat niya. Bakit naman ganun? Hindi siya pinagbuksan? Bahala na. Feeling ko tuloy responsibility ko siya. Kung ayaw siya papasukin, dun nalang muna siya sa bahay.
*RING~*
"Yaya, pa-open naman yung guest room. Tapos pahanda na rin ng dalawang towel ng cooling tape tsaka paracetamol. Maglabas ka na rin ng clothes ni Ate. Thank you Yaya!"
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko na alam kung anong sasabihin sakin ni Mommy pag nalaman niya toh. Tapos hiniraman ko pa ng damit na kay Ate. Lagot ako lalo. Pero parang may choice ako eh.
"Oh Drew anong nangyari dyan sa kasama mo?"
"Mamaya na paliwanag Yaya, bihisan niyo na muna siya tapos painumin ng gamot o."
"Oo, ikaw rin magpalit ka na. Nga pala, nasa Mommy mo yung susi sa guest room kaya hindi ko ma-open. Dito nalang muna siya sa quarters habang magpapalit ka."
Drat. Kung kelan kailangan saka naman tinangay ni Mommy yung susi o. Hindi ko sure kung kelan siya makakauwi. Hindi naman pwede sa quarters si Blanche kasi marami na sila doon, mas lalong hindi pwede sa kwarto ko, UGGGH. Bahala na.
"Hijo, Drew. Kumain ka na muna, ako na magbabantay sakanya."
"Sige Yaya, okay lang po ako."
I had no choice. Ngayon nandito si Blanche sa kwarto ko, at binabantayan ko siya. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko siya magawang iwanan. Bakit?
Hmmn. *pokes.*
"Drew? Anak?"
"Mom?"
HOLY!@#$%^&*()_ O____________O
"Mom!"
"Shh. Hijo, magising yang kaibigan mo. Sinabi na sakin ni Yaya sa akin. Ako na magbabantay sakanya, kumain ka muna baka magkasakit ka rin."
"Thanks Mom. Pero okay lang ako. Mom, yung susi sa guest room?"
"Ahh, that. You see, magsstay yung friend ko dito. And I am letting her use the room. Dito nalang muna yung friend mo sa room mo. May tiwala naman ako sayo eh."
"Pero Mom?!"
"I trust you darling. Besides, kanina hindi mo nga siya maiwanan para kumain eh. By the way, what's her name?"
"Blanche. Blanche Angelique."
"What a beautiful name. It suits her angelic face. Osya, I will entertain my amigas outside muna ah. Don't worry, they know nothing. Good night dear."
"Good night Mom."